Sunday, January 6, 2013
Bucket List
Ang aking Bucket List sa pagtatapos ng taon para sa aking mga constituent sa Olongapo:
1. Sana lahat ng may kapasidad pang magtrabaho ay magsipag-trabaho na at hindi lang tambay buong araw sa kanto at mag-iinuman pa, at aasa na lang sa padala ng kanilang mga kamag-anak sa abroad.
2. Sana lahat regular na nagtatanim ng puno, hindi nagsisiga/nagpapausok, hindi nagkakalat ng basura lalo na ng plastik, hindi binabarahan/tinatakpan ang ating mga drainage/estero, magpapasimuno sa paglilinis ng ating mga ilog at dagat.
3. Speaking of plastic, kung hindi natin ito tuluyang mai-ban sa Olongapo, sana matuto tayong mai-convert ito sa isang kapakipakinabang na bagay tulad ng bricks.
4. Sana may mayamang makapag-pondo ng ating sewerage system na hindi kukunin o sisingilin sa taong bayan ang nagastos sa pagpapagawa nito.
5. Sana lahat ng kabahayan, maging yung mga nakatira sa kabundukan, lalong-lalo na yung malapit sa ilog at dagat, ay may matinong septic tank at regular itong mini-maintain.
6. Sana matapos na sa lalong madaling panahon ang ating Sanitary Landfill para maiwasto ang collection and disposal ng ating basura at para hindi na natin problemahin ang leachate. Sana lahat matutong mag-segregate o isapuso ang CR3 (compost, reduce, re-use, recycle)
7. Sana lahat ng taga-olongapo ay may ambisyong maiangat pa ang level ng kanilang pamumuhay, paigtingin pa ang kanilang mga skills, i-prioritize and edukasyon, pumasok sa mga kapakipakinabang na negosyo, palawigin ito, at matutong ibahagi ito sa mga susunod pang henerasyon. Sana maging University na nga ang Gordon College o Columban College at maging center of excellence ang maraming departamento nito.
8. Sana dumami pa ang PhD holders sa Olongapo.
9. Sana yung mga kursong ituturo sa ating eskuwelahan ay may diretsong kinalaman sa kung ano ang demands meron dito sa ating lungsod tulad halimbawa ng marine biology, geology, ship building and repair, o di kaya’y mag-focus sa research on our mountains and seas, virgin forest, jungle, and more on disaster management course please.
10. Bukod sa Tourism, sana maging major industry din ang Ship Building and Repair dito sa ating lungsod.
11. Sana mailabas na nga ang SBMA sa Olongapo at matuloy na yung konsepto ng Metro Olongapo.
12. Sana maging lone district na nga ang Olongapo para meron na tayong lone representation sa Congress at hindi na kailangang makihati sa Zambales.
13. Sana mai-maintain natin ang pagiging ISO-certified ng ating pampublikong hospital. Sana hindi naman maging suwapang ang mga doctor sa paniningil sa kanilang pasyente. Sana marami pang international at national fundings ang maipaabot sa ating hospital.
14. Sana nga tuloy-tuloy na maisakatuparan ang Medical Tourism sa ating lungsod.
15. Sana wala ng mga nga asong pakalat-kalat sa kalye na dudumi sa ating mga daraanan. Sana maging responsible ang may-ari ng mga alagang hayop. At sana may political will ang mga barangay official para ipatupad ang ordinansa hinggil dito.
16. Sana makabuo na rin ng HIV/AIDS Council sa Olongapo. At sana magbunga ng mabuti ang pagiging center for AIDS treatment sa buong Gitnang Luzon ang ating James L. Gordon Memorial Hospital.
17. Sana magkaruon na rin ng rehabilitation centers sa lungsod para sa mga nalulon sa droga at alkolholismo.
18. At sana magkaruon din ng sentro para sa mga matatandang napabayaan ng kanilang pamilya.
19. Sana lahat ng mga daan sa Olongapo ma-espaltuhan o ma-sementuhan na.
20. Sana sa pagsisi-pribado ng ating kuryente ay maisaayos na ng tuluyan ang anumang problema na ating kinakaharap hinggil sa kuryente. Sana mapanatili ang mababang singil sa kuryente rito sa Olongapo.
21. Sana mapondohan pa ang mobile skills training at livelihood programs ng pamahalaang lungsod.
22. Sana magkaruon ng opisyal na tambayan ang mga alagad ng sining nang sa gayun ay magkaruon ng regular na venue para sa mga brainstorming sessions at pag-a-update sa mga kaganapan hinggil sa arts and culture sa siyudad.
23. Sana makapagpatayo rin sa lungsod ng cultural center.
24. Sana tunay na mapondohan ang arts and culture council sa Olongapo, na maumpisahan ito sa isang arts and culture summit.
25. Sana maibalik yung pagiging Entertainment Capital of the Philippines ng Olongapo.
26. Sana nasa elementarya pa lang ay natututukan na ng pamahalaan ang mga batang sadyang may natatanging kakayahan sa larangan ng palakasan at sining.
27. Sana magtuloy-tuloy ang WAGI! at CINEMALAYA SA GAPO. Sana maging matagumpay ang balakin kong Film Literacy program para sa lungsod.
28. Sana maibalik ang Olongapo Film Festival, hindi man pang-mainstream, pwede naman pang-indie o kahit student films na lang.
29. Sana lumakas ang TV station natin dito sa Gapo para magkaruon ng regular na programang tunay na kapakipakinabang para sa mamamayan. At sana matuloy yung planong magproduce ng teleserye tungkol sa buhay-gapo.
30. Sana makapag-publish tayo ng coffee-table book about Olongapo’s sights and sounds, focusing on the city’s history.
31. Sana maragdagan pa ang dredging machine, ambulance at iba pang gamit pang-hospital, police patrol car, bantay-dagat/ilog, at forest rangers para mapangalagaan ang ating kabundukan.
32. Sana magawan ng paraan ang mga kable at kawad ng kuryente na nakalambitin sa ere. Magaya sana yung sistema sa Singapore kung saan ang mga cable at electric wire ay nakabaon underground.
33. Sana maging computer-literate ang lahat ng residente sa Gapo. Sana maging WIFI-free ang buong Olongapo.
34. Sana mapalawak at maging major event sa Gapo ang Sibit-Sibit Festival.
35. Sana magkaruon din ng cable cars sa pagitan ng bundok ng Olongapo at bundok sa SBFZ.
36. Sana matutong i-prioritize ng SBMA ang kapakanan ng mga taga-Olongapo dahil mga taga-Olongapo naman ang nag-create at nangalaga sa lugar na iyan nang umalis ang mga Amerikano.
37. Sana makapasok na rin ang ating mga jeep sa SBFZ.
38. Sana maisakatuparan yung plano ni Mayor Bong na makapag-construct ng train stations para may diretsong biyahe mula Olongapo hanggang dulo ng Zambales at pabalik.
39. Sana dumami pa ang mga abogadong magbibigay ng libreng serbisyo para sa ating mahihirap na kababayan.
40. Sana maiayos pa ang sistema sa pagtulong sa ating mga kababayan na kapos sa pera upang maiburol at maipalibing ang kanilang mga mahal sa buhay na pumanaw. Sana mapalawak pa o makakita ng lugar para sa ating Pampublikong Sementeryo.
41. Sana tuluyan ng maayos ang isinagawang cadastral survey sa Olongapo para maayos na yung mga barangay na may boundary issues at mapatituluhan ng mga taga-Olongapo ang kani-kanilang properties.
42. Sana makapagpatupad ng mga livelihood program na talagang magtatagal at self-sustaining para sa ating maralitang tagalungsod.
43. Sana magmula ngayon lahat ng mga bahay, building, at iba pang structures ay maging flood-free na o nakahanda na para sa baha na palala ng palala taon-taon.
44. Sana lahat ng barangay may sapat na bilang ng lifeboat.
45. Sana may isang fashion designer sa Gapo na makakapag-create ng rain/typhoon wear na bukod sa kapakipakinabang sa panahon ng tag-ulan ay magiging trendy o fashionable pa. Wet-look but not the Celso Ad Castillo’s way, hehe.
46. Sana matuloy yung proposal ng Russian Embassy na magtayo ng isang higanteng Russian Orthodox Cross sa baybayin ng Olongapo (bilang bahagi ng kasaysayan ng Ruso-Olongapo). Makakatulong ito hindi lamang sa ispiritwal na aspeto ng ating pagkatao kundi pati na rin sa industriya ng turismo sa ating lungsod.
47. Sana maging competitive ang ating businessmen dito sa Olongapo. Matutong maging creative para mapalakas pa ang kanilang negosyo. Think Global Olongapo!
48. Sana maipatupad na sa lalong madaling panahon ang Transport and Traffic Management Plan (TTMP) Study for Olongapo City na isinagawa ng UP National Center for Transportation Studies (NCTS)
49. Sana matuto ng bumoto ang mga taga-Olongapo na hindi makukuha sa mga paakbay-akbay, patapik-tapik ng balikat, pabeso-beso, at patagay-tagay. Lalo na, sana hindi na madadaan sa pera-pera ang pagpili ng ibobotong kandidato. Sana daanin sa husay, performance, linis ng budhi (at hindi naglilinis-linisan lamang), at vision ng kandidato para sa lungsod.
50. Sana magtuloy-tuloy na ang pagbuti ng ekonomiya ng bansa ng sa gayon ay mabigyan ng trabaho ang lahat ng naghahanap ng trabaho, maitaas ang suweldo ng uring manggagawa, at matugunan ang basic needs ng bawat isang mamamayan.
dagdag pa:
51. Sana matuloy yung plano na magkaruon ng route (by sea) subic-vladivostok and vice versa.
52. Sana matuloy din yung deployment ng ating gapo workers (karamihan welders) sa australia. last time hindi natuloy yung sa guam dahil hindi natuloy yung paglipat ng US Naval Base forces from Japan to Guam. pero at least naihanda natin ang ating mga possible workers at nakakuha naman sila ng trabaho sa ibang kumpanya.
53. Sana makapag-construct ng overpass at flyovers para bumuti ang kalagayan ng traffic sa atin. pero dapat maganda ang magkaka-build, na hindi masisira ang "olongapo look".
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
originally posted in facebook.com/edic_piano, 31 December 2011. as the author is turning 53 this february 2013, he deliberately made the bucket list reached 53 items.
ReplyDelete